April 24, 2011
Kaisa po ako ng sambayanang Pilipino sa pagdiriwang nang pagbangon ng Panginoon mula sa kamatayan, nang tubusin Niya ang sangkatauhan sa kasalanan.
Sa pagwawakas ng Semana Santa, hindi sana magtapos dito ang ating taimtim na pananalig sa Panginoon. Ipagpatuloy natin ang pagtupad sa Kaniyang mga aral at lalo pa nating paigtingin ang ating pagkakawanggawa.
Ito ang unang Pasko ng Pagkabuhay na ipinagdiriwang ng ating bagong administrasyon. Gaano man kadilim ang kabanatang ating dinaanan, ang pagsusulong ng tapat at mabuting pamamahala, kaakibat ang matibay na pagtitiwala at pagkakaisa, ang pundasyon natin upang malampasan ang kalbaryong ating dinatnan.
Patuloy nating alalahanin ang tunay na diwa ng Kaniyang dakilang sakripisyo.
Bawat isa sa atin ay may maiaambag sa pagtuldok sa katiwalian upang maisalba sa hirap at pasakit ang marami nating kababayan. Sa pamamagitan lamang nito, mararamdaman ng bawat Pilipino ang tunay na liwanag ng pagbabago.
Isang mapayapa at mapagpalang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat.